Matapos yanigin ng 6.7 magnitude na lindol ang Surigao del Norte kamakailan lang, kung saan walo ang naitalang namatay at umabot sa mahigit P250 milyon ang halaga ng pinsala, nagbigay ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tungkol sa posibilidad na pagtama ng “the Big One” o lindol na may magnitude na 7.2.
Sa ulat ng Philstar, sinabi umano ni Phivolcs Director Renato Solidum na dapat matuto ang lahat sa epekto ng 6.7 magnitude earthquake na tumama sa Surigao del Norte. Aniya, kung mangyayari sa isang highly urbanized na lugar ang kaparehong lindol ay mas lalong magiging mapaminsala iyon.
Ang apela ni Solidum sa residente ng Metro Manila at kalapit na mga probinsiya na dinaraanan ng West Valley Fault ay maging handa sa isang napakalakas na lindol na maaaring kumitil ng libo-libong buhay.
Paulit-ulit na nagbibigay ng babala ang mga seismologists ng bansa na ang nasabing fault ay hinog na para sa muling paggalaw.
Ang 100-kilometrong fault ay tumatawid sa ilang bahagi ng Bulacan hanggang Quezon City, Marikina, Makati, Pasig, Taguig at Muntinlupa sa Metro Manila; sa San Pedro, BiƱan, Sta. Rosa, Cabuyao at Calamba sa Laguna; at sa Carmona, General Mariano Alvarez at Silang sa Cavite.
source: Philstar, Inquirer