MAYNILA, Pilipinas – Magbabalik umano sa paninilbihan sa gobyerno si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga darating na buwan.
Kung nagkataon, posibleng palitan ni Marcos ang kasalukuyang DILG chief na si Ismael Sueno. Si Sueno ay itinalaga ni Pagulong Rodrigo Duterte noong Hulyo.
Si Marcos naman ay kumandidato bilang pangalawang pangulo noong nakaraang halalan bilang running mate ng namayapang si Senador Miriam Defensor-Santiago, subalit natalo kay Liberal Party (LP) stalwart Leni Robredo.
Nagsampa ng kasong pandaraya sa eleksiyon si Marcos laban sa kampo ni Robredo, Comelec at Smartmatic, na ngayon ay nakabinbin sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Election Tribunal (PET).
Partikular na kinukuwestiyon ng kampo ni Marcos ang maliit na lamang ni Robredo na umabot sa mahigit 260,000 boto lamang at inakusahan ng malawakang pandaraya ang kalaban.
Ang pamilya ni Marcos ay kilalang malapit sa nakaupong Pangulo.
Matatandaang sinabi pa ni Duterte noong kampanya na maaaring maging susunod na Presidente si Bongbong Marcos kung sakaling palarin na pareho silang manalo at may mangyari sa kaniya.
Inulit ito ng Pangulo noong minsang magbisita sa Tsina sa harap mismo ni Marcos at ng kaniyang natalong runningmate na si Senador Alan Peter Cayetano.
Kung sakali man, kailangang tapusin muna ni Marcos ang isang taong ‘ban’ sa sinumang kumandidatong opisyal bago ito tuluyang maitalaga bilang panibaging miyembro ng Gabinete ni Duterte.
Nauna nang napaulat na itatalaga rin ni Duterte si Cayetano bilang bagong kalihim ng Departmet of Foreign Affairs (DFA) kapalit ni Perfecto Yasay.
source: definitelyfilipino