Marami ang humahanga sa pamilya Pascua Family ng Isabela matapos mapasama ang triplets na magkakapatid sa top 3.

Ang edad ng mga triplets ay nasa 16-taon-gulang at nagtapos ng Junior High School sa paaralan ng Nagullian National High School.

Ang triples ay nakilala sina Ma. Diana Terece (1st honor), Ma. Dianah Florence at Ma. Dianah Joyce ay 2nd at 3rd honor naman.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ng ina ng triples na si Mary Joy Pascua na simula pa lang kinder ay naglalaban-laban na ang mga triplets para pumasok sa top 3.

Ani pa ng magkakapatid ay focus lang sila sa pag-aaral, pero nagtutulungan 'din ang mga ito lalo na't mahirap ang kanilang mga assignments.

“Para po sa amin, focus po muna sa sarili kapag nag-aaral. Kapag nahihirapan na po sa assignments, doon lang kami magtutulungan,” ani pa ni Ma. Dianah Florence

Ang pangarap ng triplets ay maging abogado gaya ng kanilang ama na isang hukom. Sa ngayon balak nilang ipapatuloy sa Manila ang pag-aaral ng Senior High School.

 
Top