Inaasahang ibibigay sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) ang 11 mga aktibong kasapi ng teroristang Abu Sayyaf na sinasabing boluntaryong sumuko sa tropa ng militar sa lalawigan ng Tawi-Tawi.Ayon kay Lt. Gen. Carltio Galvez Jr, commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na dakong alas-6:00 ng gabi nang sumuko ang 11 mga bandido sa Marine Barracks Domingo Deluana na nasa Barangay Sanga-Sanga sa bayan ng Bongao.

Kinilala ni Galvez ang dalawang sumukong sub-leader na si Berong Sariol alyas Boy Master at si Ben Saudi Dambong Sariol alyas Boy Pangit.Habang ang iba pang sumuko ay sina Jasim Dambong alyas Dams, Mujil Dambong, MagelanLangal, Kael Sariol, Nurhamin Sariol, Alhan Sariol, Amnisain Sariol, Akmad Sariol at si Benasil Sariol na pawang mga residente ng Sitio Gigipan, Barangay Baldatal, Sapa-Sapa, Bongao na halos magkakamag-anak lamang.

Nabatid na ang mga sumukong bandido ay sangkot sa mga insidente ng cross border kidnappings, seajacking activities at iba pang mga krimen.Kabilang din umano sa mga isinuko ng mga bandido ay ang isang unit ng M16 rifle, M203, M14 rifle, M79 rifle at apat na units ng M1 garand rifle.
 
Top