Sa kaniyang Instagram posts, ipinakita ng aktres na si Aiko Melendez ang bunga ng kaniyang pinaghirapan sa pagwo-workout sa pagsuot muli niya ng swimsuit.

Sa isa niyang larawan, sinabi ni Aiko na side view muna ng kaniyang katawan ang kaniyang ipakikita habang pinagsisikapan niya na magkaroon ng abs.

Sinabi rin ng aktres na ang larawan niya na nakasuot ng swimsuit ay patunay sa mga nagdududa na lumiit na ang kaniyang pangangatawan.



READ: Aiko Melendez says goodbye to 50 lbs. and hello to 28-inch waistline

Saad niya sa caption: "i know i still have those swimmers arms :) just showing off that i really lost weight for some who thinks that ive been putting too much filter in my Pictures. Cmon havent you guys seeing my work out?
 
Top