Magkasamang nag-bakasyon sa El Nido, Palawan ang “Starstruck” alumni at Kapuso stars na sina Sheena Halili at Katrina Halili nitong nakaraang linggo, kasabay ng Holy Week break.

Bukod sa paggawa ng iba't ibang water activities, ibinida rin ng dalawa ang swimsuits na bahagi ng Just Yve Swimwear, ang swimwear line ni Sheena.

“Yes!! This is it! @justyveswimwear! My dream of having a swimwear line finally came true... Will be posting all our designs soon!” ayon sa proud business owner.

Silipin ang ilan sa sexy at fun photos ng “Destined To Be Yours” actress at “D' Originals” star sa kanilang Palawan getaway.
 
Top